DREAM BIG, start small - nung 2007 sinimulan namin ang Goshenland malaki at matayog ang aming pangarap, ngunit wala naman kaming puhunan in fact unti unti ko pang binabayaran ang utang namin sa ospital nung magkasakit ang tatay ko. Ngunit hindi yung naging hadlang para simulan namin ang aming negosyo, nagsimula talaga tayong maliit at ang kauna unahang nagtiwala sa atin ay ang Small Business Guaranty and Finance Corporation( now small business corporation) isang ahensiya ng gobyerno na tumutulong sa mga maliliit na negosyo at nagbibigay ng pautang na hanggang 10 million. Sa kanilang tulong at sa tulong ng ibang nagtiwala ay after 6 years tayo ngayun ay recognized as a large corporation at pinararangalan ngayung araw sa maynila with a special citation as a graduate ng Micro, small and medium enterprises into large category na nakapublish sa Phil. Star ngayung araw. Eto po ang lagi nating sinasabi na hindi hadlang ang kahirapan, o pagiging maliit para tayo ay mangarap ng matayog, basta meron tayong sipag, tiyaga at pananalig sa Diyos. Ang ating sunod na pangarap ay mailista ang ating kumpanya sa Phil Stock Exchange, bilang isa sa mga pangunahing kumpanya na galing sa probinsya na maging listed company, may awa ang Diyos, manalig po tayo!
- - original post by Mr. Alexander Bangsoy
No comments:
Post a Comment